This article has been translated from English to Tagalog.

Ang SPAC ay isang Special Purpose Acquisition Company, isang shell na ginawa para sa partikular na layunin na mag-merge sa isang pribadong kumpanya para gawing public ang kumpanyang iyon nang mas mabilis kumpara sa normal na proseso ng initial public offering (IPO).

SPAC ay nangangahulugang “special purpose acquisition company”.

Tinatawag din ito na “blank-check company” or “shell company.”

Itong mga shell companies ay nagiging public at nag-iipon ng pera para sa nag-iisang layunin na bilhin ang isang pribadong kumpanyang may potensyal na sumabog pataas, at dalhin ito sa public sa proseso.

Pumupusta ang mga investors na ang management ay magde-deliver sa kanilang pangako na makahanap ng isang kaakit-akit na target at gawing public ito sa pamamagitan ng merger.

Kapag ang sponsor o ang management team ay nagdesisyon na ilunsad ang isang SPAC, gumagawa sila ng holding company.

Ang sponsor ay naghahanap ng investors sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang sarili, ng kanilang karanasan sa pagbuo ng deal, at ng isang target na industriya kung saan sila maghahanap ng kumpanyang bibilhin.

Kapag sapat na ang interes mula sa mga investors, nagbebenta ang sponsor ng units sa mismo SPAC. Ang SPACs ay karaniwang nag-IPO sa presyong $10 kada unit.

Karaniwan, ang units ay binubuo ng isang share at bahagi ng isang warrant.

Ang perang nalikom ay napupunta sa isang blind trust. Hindi ito magagalaw hangga’t hindi aprubado ng shareholders ang acquisition.

Ang SPAC ay nagte-trade sa isang exchange tulad ng ibang nakalistang stock.

Ang mga SPAC sponsors ay may 18−24 months para makipag-deal, depende sa prospectus.

Motivated ang mga sponsors na makipag-deal. Ina-issue sila ng mga shares na mga 20% ng outstanding sa IPO.

Ang mga shares na ito ay maaaring maging milyon-milyong dolyar at tinatawag na “Founder Shares” o ang “promote”. Nagiging kompensasyon ito para sa paghahanap ng deal.

Kung hindi makahanap ng deal ang mga sponsors sa loob ng nakatakdang panahon, madidisolve ang SPAC, at ibabalik ang pera ng mga shareholders.

Kapag may nahanap na deal, at na-negotiate ang terms ng acquisition, boboto ang shareholders kung aprubado ba ang deal.

Kung aprubado ang deal, magpapatuloy ang sponsor sa pagdadala ng kumpanya sa public, kapag ang deal ay nakakuha ng regulatory approval at ang SPAC ay may sapat na kapital para bilhin ang kumpanya. (Maaaring piliin ng shareholders na ibalik ang kanilang pera, kasama ang interest sa oras na ito.)

Kung kailangan pa rin ng pera, lalapit ang sponsors sa mga pribadong investors para sa isang “PIPE” transaction (Private Investment in Public Equity).

Ang mga matataas na kalidad na firm, tulad ng Blackrock, Fidelity, at T. Rowe Price, ay naging PIPE investors.

Kapag aprubado na, nagbabago ang ticker ng SPAC para i-reflect ang bagong-nakuha na kumpanya. Ang mga shareholders na may stake sa SPAC ay mayroon nang stake sa bagong nakuhang kumpanya.

Kahit matagal na silang umiiral, ang SPACs ay hindi kasing kilala ng mga tradisyonal na IPOs.

Ang tradisyonal na IPOs ay para sa mga mas mature na kumpanya na may mga pribadong investors na naghahanap ng exits.

Ang SPACs, sa kabilang banda, ay target ang mga kumpanya sa mas maagang yugto ng kanilang growth cycles. Ibig sabihin nito ay mayroon silang mas mataas na upside potential kaysa sa IPOs.